Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

ano ang kabutihang nagawa ni jose rizal?

Sagot :

Answer:

Di matatawaran ang ginawang sakripisyo ni Jose Rizal para sa ating bayan. Isa siyang bayani na lumaban para sa ating kalayaan. Ang paglalaban niya ay hindi sa paggagamit ng espada or pagkukuha ng buhay ng isang tao, ginamit niya ang kanyang panulat para mabukas ang mga mata ng mga Pilipino.

Maraming kabutihang nagawa si Rizal para sa ating bayan.

Isa na dito ang pagsusulat niya ng mga libro na nagbukas sa kaisipan at kamalayan ng mga Pilipino. Isa na sa mga naisulat niya ay ang “Katamaran” sinasabi kung bakit tamad ang mga Pilipino, Sinulat ito ni Jose Rizal para maipakita sa mga Pilipino kung ano ang kanilang masasamang aksyon, ugali at paano natin ipagbubuti ito, na dapat umiba na tayo sa masasamang ugali o aksyon na ito. Ang “Huling Paalam” at “Mga Kababaihang taga Malolos” na nagbigay lakas sa mga Pilipino na lumaban para sa karapatan na makapag-aral. Isa na rin dito ang mga tanyag na nailathala ni Rizal na “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo" na nagbigay mensahe tulad sa iba niyang akda na ang mga Pilipino ay dapat lumaban para sa kanilang kalayaan!

Isa na rin sa kabutihang nagawa ni Rizal ay ang pagmumulat sa kaisipang Nasyonalismo at pantay na karapatan para sa mga Pilipino.

Nagtatag rin si Rizal ng samahang ang layunin ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino na La Liga Filipina.

Tumulong din si Rizal sa mga mahihirap at ginamit niya ang kaalaman sa medisina.

Ngunit ang pinakamahalagang kabutihan na ginawa ni Rizal para sa ating bayan ay ang pagbubuwis nya ng kanyang buhay para sa kalayaan ng ating bansa.

Para sa iba pang kaalaman at detalye basahin ang:

ano ang kabutihang nagawa ni jose rizal

https://brainly.ph/question/1051870

ano ang nagawa ni jose rizal para sa bayan?

https://brainly.ph/question/498744