Ang pagbibigay depinisyon o kahulugan
ng isang salita ay pagbibigay ng paglilinaw o paglalahad sa isang piling paksa.
Naglalayon itong magbigay-linaw tungkol sa isang bagay na tinutukoy. Mas
pangkalahatan ang salitang ito kaysa sa kahulugan, na mas ginagamit para sa mga
salita, at katuturan, na mas ginagamit para sa mga bagay o konsepto. Ang
pagbibigay depinisyon ng isang salita ay maaring maggawa sa dalawang paraan.
Ang isang salita ay maaaring mabigyan ng literal na kahulugan na kadalasan mula
sa isang diksyunaryo (denotasyon) at ito rin ay maaaring mabigyan ng masining
na kahulugan (konotasyon).
Halimbawa:
Ang pagbibigay denotasyon ng
salitang binulyawan o sininghalan ay sinigawan.
halimbawang pangungusap:
Si Vallerie ay
binulyawan ng kanyang kalaro dahil siya ay madaya.