Ang
pagbibigay kahulugan ng isang salita ay pagbibigay ng paglilinaw o paglalahad
sa isang piling paksa. Naglalayon itong magbigay-linaw tungkol sa isang bagay
na tinutukoy. Mas pangkalahatan ang salitang ito kaysa sa kahulugan, na mas
ginagamit para sa mga salita, at katuturan, na mas ginagamit para sa mga bagay
o konsepto. Ang pagbibigay depinisyon ng isang salita ay maaring maggawa sa
dalawang paraan. Ang isang salita ay maaaring mabigyan ng Literal na kahulugan
at ito rin ay maaaring mabigyan ng masining na kahulugan.
Mga singkahulugan ng depinisyon
kahulugan
katuturan
Halimbawa:
Ang ibig
sabihin ng salitang nagpatawing-tawing ay nagpapaanod, nagpapaagos o
nagpapadala.
Halimbawang
pangungusap gamit ang salita:
Nagpatawing-tawing siya sa
hangin bago tuluyang lumapag sa gitna ng panot na damo sa palaruan.