Ang kalupaan ay bahagi ng Yamang Lupa. Ito ay isang mahalagang likas na yaman sapagkat dito tayo nabubuhay at dito nagmumula ang ating ikabubuhay. Ngunit sa kasamaang palad, unti unti itong nasisira.
Ang mga dahilan ng pagkasira nito ay di mabuting pamamahala sa lupa tulad ng kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng tama ng basura at mapaminsalang pagpapabaya sa lupa. Tulad ng mga kemikal na ginagamit sa mga pesticides ng pananim na naiiwan sa lupa.
Sa mapanganib na gawaing ito ay nagdudulot din ng panganib sa ating kalusugan at pang araw-araw na buhay. Ang epekto nito ay di produktibong pagsasaka, pagkawala ng mga mineral sa lupa at pagkawala ng lupa at pagtatanim na nagreresulta sa pagbabago ng klima.