Sagot :

MGA ANYONG TUBIG

Halos 70 porsyento (70%) ng mundo ay binubuo ng tubig. Napakarami at mayroong iba't-ibang uri ng anyong tubig ang ating mundo. Talakayin natin ang ilan sa mga ito.

  • Karagatan (Oceans)

Ang Karagatan ay ang pinakamalaking uri ng anyong tubig at maalat ang tubig nito. Ang mundo ay mayroong limang (5) karagatan, ito ay ang Karagatang Pasipiko (Pacific Ocean), Katimugang Karagatan (Antartic Ocean/Southern Ocean), KaragatangIndiyano (Indian Ocean), Karagatang Artiko (Arctic Ocean), at Karagatang Atlantiko (Atlantic Ocean)

  • Dagat (Seas)

Ang Dagat ay malaki rin na anyong tubig pero mas maliit ito kaysa sa mga karagatan. Maalat rin ang tubig nito. Ang ilan sa mga tanyag na mga dagat sa daigdig ay ang Mediterranean Sea na bahagi ng Karagatang Atlantiko, Caribbean Sea na bahagi rin ng Karagatang Atlantiko, at Arabian Sea na bahagi naman ng KaragatangIndiyano.

  • Ilog (Rivers)

Ang Ilog ay anyong tubig na mahaba. Ang daloy ng tubig nito ay patungong dagat. Di tulad ng Karagatan at Dagat, ang tubig naman ng Ilog ay tubig tabang. Ang ilan sa mga tanyag na ilog ay ang Indus River, Huang Ho River, Nile River at ang Amazon River.

  • Lawa (Lakes)

Ang Lawa ay anyong tubig na napapalibutan ng lupa. Ang tubig nito ay madalas na tubig tabang. Ang ilan sa mga kilala nating lawa ay ang Laguna Lake at Taal Lake.

  • Talon (Waterfalls)

Ang Talon ay anyong tubig na ang daloy ng tubig ay nagmumula sa mataas na lugar tulad ng bundok or burol patungo sa mababang lebel. Ang halimbawa ng mga talon ay ang Niagara falls at Maria Cristina falls.

  • Golpo (Gulf)

Ang Golpo ay malaking bahagi ng dagat at naliligiran ito ng lupa. Maalat ang tubig nito at daungan ito ng mga barko. Halimbawa ng Golpo ay ang Leyte Gulf.

  • Look (Bay)

Ang Look ay isang maliit kaysa sa Golpo. Daungan rin ito ng mga barko at maalat rin ang tubig nito. Ang Halimbawa ng Look ay ang Manila Bay.

#CarryOnLearning