Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng maraming kaalaman. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Ang tradisyon ng South Korea ay naimpluwensiyahan nang malaki ng mga kultura ng Tsina at Hapon na base sa konsepto ng Confucianism. Bahagi nito ay ang pagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa pamilya. Sa kabilang banda naman, ang paniniwala ng South Korea pagdating sa relihiyon ay karaniwang Budismo. Ang South Korea ay naniniwala rin sa sinseridad at pagsunod sa mga protocol.
Tradisyon sa South Korea
Narito ang ilang mga detalye tungkol sa tradisyon ng South Korea:
- Ang tradisyon ng South Korea ay naimpluwensiyahan nang malaki ng mga kultura ng Tsina at Hapon na base sa konsepto ng Confucianism.
- Sa tradisyon ng Confucianism, ang pamilya ay ang pinakamahalagang parte ng lipunan. Kinakailangang magkaroon ng etikal na pagpapahalaga sa pakikisama sa ibang tao at pagbibigay ng respeto sa mga nakatatanda at sa pamilya.
- Tradisyon din dito na pamunuan ng tatay ang isang pamilya. Ito rin ay parte ng tradisyon ng Confucianism. Naniniwala sila na ang tatay ang dapat mangalaga at magbigay ng magandang kalusugan, tahanan, pagkain, at iba pa sa buong pamilya.
- Ang "hanbok" ay ang tradisyonal na kasuotan sa Korea. Ito ay sinusuot kapag may kasalan, piyesta, at iba pang pagdiriwang sa Korea. Naniniwala ang mga tao doon na ang "hanbok" ay nakapagbibigay ng kultural na identidad sa South Korea.
- Tradisyon din sa South Korea ang pagyuko o bow bilang tanda ng pagrespeto sa ibang tao.
- Pagdating naman sa pagpapakasal, para sa mga tao roon, ang kasal ay hindi lamang pagsasama ng dalawang tao kundi pagsasama rin ng dalawang pamilya.
Paniniwala sa South Korea
Narito ang ilang mga detalye tungkol sa paniniwala ng South Korea:
- Kagaya ng nabanggit sa itaas, ang mga tao sa South Korea ay naniniwala kay Confucius at sa mga turo nito. Dahil dito, ang South Korea ay naniniwala sa tungkulin, katapatan, dangal at sinseridad.
- Naniniwala rin ang mga taga-South Korea sa pagsunod sa mga protocol sa pag-kain, pagdarasal, pagdiriwang at pakikipagkita sa ibang tao.
- Budismo ang pangunahing relihiyon sa South Korea. Nakasunod din dito ang pamumuhay, kultura, sining at mga templo sa South Korea.
Iyan ang mga detalye tungkol sa tradisyon at paniniwala sa South Korea. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:
- Ano ang heograpiya ng South Korea? https://brainly.ph/question/411379
- Ano ang lokasyon ng South Korea? https://brainly.ph/question/634213
- Saan nagmula ang salitang "Korea"? https://brainly.ph/question/550524
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.