Magtanong at makakuha ng malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

sampung mga halimbawa ng kasingkahulugan

Sagot :

Mga salitang magkasing kahulugan

  1. Tinunton- hinanap
  2. Tiwasay –tahimik
  3. Sukal- kalat,(damo,Dahon)
  4. Tinahak-nilakbay, dinaanan
  5. Nilisan- iniwan,inalisan
  6. Bulaan- sinungaling
  7. Agahan – almusal  
  8. Antak-kirot, sakit
  9. Batid-alam  
  10. Galak- saya

Ang mga salitang magkahulugan, bagamat magkaiba ng pagkakabigkas ngunit meron namng iisang kahulugan, mahalagang malaman natin ang mga kahulugan ng bawat salita upang mas lubos natin itong maunawaan.  

Mga halimbawa sa pangungusap ng sampung salitang magkasing kahulugan

  1. Tinunton naming mga magkakapatid ang nawawala naming ina, labis kaming nag aalala sapagkat sa labis na katandaan ay ulianin na.
  2. Tiwasay ang idinaos na halalan sa aming bayan, sapagkat ang lahat ay nagkakaisa na itaguyod ang katahimikan.
  3. Puno na ng  sukal ang aming bakuran ng kami ay umuwi mula sa mahabang bakasyon sa probinsya.
  4. Malayo layo narin ang aming tinahak ng mapansin naming na wala pala sa aming likuran ang isa pa naming kasama.
  5. Nilisan ko ang bayan na aking sinilangan sapagkat gusto kung makalimot sa masasakit na aking naranasan, mas nais ko ang magbagong buhay.
  6. Bulaan ang aking kapitbahay noong sabihin niyang si Elsa ang kumuha ng kanyang pitaka kahapon,sapagkat maghapon kung kasama si Elsa.
  7. Ang paborito kung agahan ay sinangag na kanin at pritong tuyo at mainit na kape.
  8. Ngayon ko nararamdaman ang antak ng mga sugat na tinamo ko buhat sa pagkaka hulog ko sa hagdan.
  9. Batid ko naman na sobrang mahal ako ng aking mga magulang, ngunit kailangan nila akong iwan upang magtrabaho para sa aking magandang kinabukasan.
  10. Sobrang galak ni mang Jose ng mapanalunan niya ang malaking halaga ng jackpot sa Lotto.

Mga halimbawa ng pang-uri na mayroong kasingkahulugan, ang pang-uri ay ang salitang naglalarawan halimbawa ay kulay, laki,anyo,lasa,amoy at iba pa maaring ito ay bagay, tao,hayop at pook

Mga halimbawa ng pang-uri na mayroong kasingkahulugan

  • Mataas- matayog
  • Mataba- malusog
  • Masungit-mayayamutin
  • Maganda- marilag
  • Nahapis- nalungkot
  • Ganid-sakim
  • Huwaran- modelo
  • Bantog-tanyag
  • Bangis-lupit
  • Dalampasigan-baybay-dagat
  • Dusta-hamak
  • Agam-agam – alinlangan
  • Kalinga-aruga
  • Lungkot-dalamhati
  • Huminto-tumigil

Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman

Kasingkahulgan ng tinuran!? https://brainly.ph/question/2023525

Mga salitang magkasing kahulugan https://brainly.ph/question/2023525

Mga salitang magkasing kahulugan https://brainly.ph/question/2023525