IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

Anu-ano Ang Katangian Ng Isang Sanaysay Na Pormal Na Naiiba Sa Sanaysay Na Di-Pormal? Please Help! :D Thankyouuu.

Sagot :

Answer:

Sanaysay

Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng pananaw ng may katha o may akda, pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, at pang-araw-araw na pangyayari.

Sa pagsulat ng sanaysay, naipapahayag ng may akda ang kanyang mga nararamdaman sa mga mambabasa. Isa rin itong uri ng pakikipag-komunikasyon o pakikipag-ugnayan na ang layunin ay maipabatid ang  saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.

Katangian ng isang sanaysay na pormal na naiiba sa sanaysay na di-pormal

Pormal  na Sanaysay

  • Ito ay umatalakay sa mga seryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng sumulat o may akda.
  • Ito ay nagbibigay ng impormasyon at kaalaman tungkol sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari.
  • Ang tono ng sanaysay na ito ay seryoso at walang halong biro.

Halimbawa:

  1. Editoryal sa mga pahayagan na patungkol sa opinyon ng sumulat sa mga maiinit na balita.

Di-pormal  na Sanaysay

  • Ang di-pormal na sanaysay naman ay uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, personal at pang araw-araw na nagbibigay-aliw o saya sa mga mambabasa.
  • Ito ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru- kuro at paglalarawan ng sumulat o isang may akda.
  • Ito ay personal na naglalaman ng saloobin at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng sumulat.
  • Ang paksa ng sanaysay na ito ay tungkol sa damdamin at paniniwala ng may akda.

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa link na nasa ibaba:

Kahulugan ng Sanaysay: brainly.ph/question/454272

#BetterWithBrainly