IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Ano ang apat na pangungusap na walang paksa at magbigay ng halimbawa ng mga ito.

Sagot :

Answer:

Mga Pangungusap na Walang Paksa at Halimbawa ng Mga Ito

Ang lipon ng mga salita na walang simuno at panaguri ngunit nagtataglay ng buong diwa at naghahatid ng mensahe ay tinatawag na pangungusap na walang paksa. Ita ay may iba't ibang uri:

  • Eksistensyal
  • Padamdam
  • Penomenal
  • Pakiusap

Eksistensyal - Nagsasaad ng pagkamayroon at pagkawala. Gumagamit ng salitang may, mayroon, o wala.

Halimbawa:

May papasok.

Mayroong tao.

Walang tinda.

Padamdam - Nagpapahayag naman ito ng matinding damdamin.

Halimbawa:

Aray!

Mali!

Yehey!

Penomenal - Tumatalakay sa kalagayan o pangyayari sa kalikasan o kapaligiran.

Halimbawa:

Uulan.

Bumaha kahapon.

Mahangin.

Pakiusap - Nagpapahayag ng pakiusap.

Halimbawa:

Pakibigay naman.

Pakiabot nga.

Sige na.

Para sa iba pang uri ng pangungusap na walang paksa, alamin sa link:

https://brainly.ph/question/2332149

#BetterWithBrainly