IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

sanaysay about sa filipino wika ng pagkakaisa

Sagot :

Sa isang bansa, lalo na kung ito’y pulo-pulo, katulad ng bansang Pilipinas na kung saan-saan nanggaling na karatig-bansa ay hindi pare-pareho ang kultura o ng wikang ginagamit, lubhang napakahirap magkaunawaan ang bawat isa. Kaya naman nagkaroon ng pagpupulong ang mga namumuno ng ating bansa na magkaroon ng isang batas na nagpasaad na isang wika ang dapat gamitin upang madaling magkaunawaan ang bawat isa upang madaling umunlad ang ating bansa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng batas o tuntunin na isang wika lamang ang dapat gamitin ay mas napapadali ang pakikipag-usap o pagkakaintindihan ng isa’t-isa. Halimbawa sa mga paaralan, upang madaling maunawa ang mga aralin sa mga paaralan, maging pampubliko man o pribadong paaralan, ay gumagamit ng isang wika. Sa mga nagdaang pangulo ng Pilipinas, unang nakapuna na mahirap magkaunawaan kaya naisipan nilang ipatupad ang nasabing batas na nag-uutos na isa lang ang gagamiting wika. Ito ay upang lubos na magkaunawaan ang mga kinatawan ng bawat rehiyon kung magkaroon ng pagpupulong o sesyon ng bawat mambabatas.

That's my answer :))))

--Rayne