Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang naghahayag ng mga gintong aral.
Pinaniniwalan na ang mga salawikain ay kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating makabagong henerasyon.
Nabuo ang mga salawikain o kasabihan ng ating mga ninuno na may makatang kakayahan o kaisipan at nakapagbibigay ito ng aral, paala-ala o gabay sa mga kabataan upang maiwasto ang mga pamantayan ng pamumuhay.
Dahil sa salawikain o kasabihan ay naitatanim sa kaisipan ng mga kabataan ang kabutihang asal, kadakilaan, pagmamahal sa bayan at sa kapwa tao, maging sa paglilingod sa Diyos na sinasampalatayanan natin na siyang nagpapala sa kaniyang mga nilikha.