Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

pambalana at pantangi ng tao bagay lugar at pangyayari.?

Sagot :

Ang 'Pangngalang pambalana' ay mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa.

Ang 'Pangngalang pantangi' naman ay mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito.

HALIMBAWA:

PAMBALANA - PANTANGI
1. bayani - Jose Rizal
2. lungsod - Pasig
3. telepono - Globe
4. presidente - Rodrigo Duterte
5. pagdiriwang - Pasko