Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

anu-ano ang mga katangiang pisikal ng mga rehiyon sa asya?

Sagot :

KATANGIANG PISIKAL NG ASYA

Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Dahil sa sobrang lawak nito, hinati ang kontinente sa limang rehiyon:

Hilagang Asya,

• Kanlurang Asya,

• Timog Asya,

• Silangang Asya, at

• Timog-Silangang Asya.

Dulot na rin ng pagkakaroon ng malawak na teritoryo, ang bawat rehiyon ng Asya ay may kani-kaniyang pisikal na katangiang pangkapaligiran. Ang kinaroroonan, hugis, sukat, at anyo ng rehiyon ay may kaugnayan sa klimang nararanasan at vegetative cover na matatagpuan sa bawat rehiyon ng Asya.

Lokasyon at Pisikal na Katangian

• Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng mundo.

•  Ang  kabuuang lawak nito ay may sukat na  44,579,000 kilometro kuwadrado.

• Ang sumusunod ay ang hangganan ng Asya:

1. Kanal Suez sa kanluran;  

2. ang Ilog Ural, Kabundukang Ural,  

3.  Kabundukang Caucasus sa hilaga

4.  ang Karagatang Pasipiko sa Silangan

5.  ang Karagatang Indian sa timog.

• Ang kontinete ng  Asya ay walang tiyak na hugis at anyo

• Ito ay mayaman sa iba't ibang likas na yaman.

• Ang Asya ay sagana sa iba't ibang anyong lupa at anyong tubig.

• Malaki ang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa at anyong tubig sa paghubog ng uri ng pamumuhay at ekonomiya ng mga bansa sa Asya.

Ang Asya ay binubuo ng anyong lupa tulad ng:

1. Bundok

2. Burol

3. Bulubundukin

4. Bulkan

5. Lambak

6. Kapuluan

7. Tangway

8. Kapatagan

Binubuo din ito ng anyong tubig tulad ng:

1. Ilog

2. Dagat

3. Talon

4. Gulpo

5. Look

Para sa iba pang kaalaman ukol sa katanungan buksan lamang ang links sa ibaba:

Ano ang pisikal na katangian ng Asya:

bhttps://brainly.ph/question/396331

brainly.ph/question/568978

#LEARNWITHBRAINLY