Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

ano ang naiambag ni manuel l quezon sa pilipinas

Sagot :

Si Pangulong Manuel L. Quezon ang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt. Ang ilan sa mga naiambag ni Manuel L. Quezon sa Pilipinas ay ang pagtatatag ng pambansang wika at pagprotekta sa mga kababaihan. Bukod dito, naitaguyod din ang kalayaan, seguridad at kapakanan ng mga trabahador. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa mga naiambag ni Manuel L. Quezon sa Pilipinas ay nasa ibaba.

Mga Naiambag ni Manuel L. Quezon sa Pilipinas

I. Pagtatatag ng Pambansang Wika

  • Si Manuel L. Quezon ang "Ama ng Wikang Pambansa".
  • Ito ay dahil sa ilalim ng kanyang pamamahala, ang pambansang wika sa Pilipinas ay naitatag. Ito ay sa pamamagitan ng pagbuo ng pamahalaan ng Surian ng Wikang Pambansa na responsable sa pag-aaral ng pagkakaroon ng pambansang wika.

II. Pagprotekta sa mga Kababaihan

  • Sa panahon ni Manuel L. Quezon, naitatag ang Women's Suffrage Act.
  • Ang Women's Suffrage Act ay nagkaloob ng pantay na karapatan sa mga kababaihan na bumoto at tumakbo para sa pampublikong posisyon.

III. Pagkakaroon ng Kalayaang Panloob at Seguridad

  • Sa ilalim ng pamamahala niya, nagkaroon ng kalayaang panloob at napatibay ang National Defense Act.
  • Ang National Defense Act ang nagtakda ng pagbuo ng hukbong sandatahan ang Pilipinas para masigurado ang seguridad sa bansa.

IV. Pagtaguyod sa Kapakanan ng mga Trabahador

Sa ilalim din ng Pamahalaang Komonwelt, sumigla ang ekonomiya at paggawa dahil sa:

  • Minimum Wage Law
  • Eight-Hour Labor Law
  • Tenant Act
  • Iba pang mga batas at alituntunin

Iyan ang mga naiambag ni Manuel L. Quezon sa Pilipinas.

Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.

  • Mga naiambag ni Manuel L. Quezon: https://brainly.ph/question/229537 at https://brainly.ph/question/526265
  • Iba pang detalye tungkol kay Manuel L. Quezon: https://brainly.ph/question/442666