IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa malinaw na mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

ano ang dahilan ng problema sa solid waste

Sagot :

Answer:

Solid Waste

Ang solid waste ay tumutukoy sa mga basura, mga kalat o dumi na mula sa mga kabahayan, sa mga miyembro ng isang pamayanan at sa mga pabrika. Ito ay mga bagay o gamit na itinapon na ng mga tao na maaring maging solid o semi-solid at hindi soluble.

Dahilan ng Problema sa Solid Waste

  • Mga nagkalat na mga basura tulad ng bote, metal, tissue, plastik, karton, lata, papel at iba pang basura sa mga dagat, ilog, kanal, estero at iba pang mga lugar.
  • Hindi maayos na pagsegregate ng mga basura na nabubulok at hindi nabubulok.
  • Hindi maayos na pagtatapon ng mga basura sa tamang basurahan.
  • Kakulangan ng disiplina sa tamang pagtatapon ng mga solid waste.
  • Hindi pagsunod ng tao sa batas at patakaran sa solid waste management.

Bunga

  • Nang dahil sa mga solid waste o basura na nagkalat nagdudulot ito ng masamang epekto sa ating kapaligiran, nagkakaroon tayo ng polusyon sa tubig, lupa at hangin, mga pagbaha at pagbara sa mga estero at kanal.
  • Ang pagbabaha, pagtaas ng lebel ng nakalalasong kemikal sa hangin at pagkamatay ng mga isda ay ilan din sa masamang dulot ng hindi wastong pagtapon ng mga solid waste.

Mga Solusyon

  • Paghihiwalay ng mga nabubulok sa hindi nabubulok  
  • Magkaroon ng mas mahigpit na patakaran ang local na pamahalaan sa paraan ng pagkolekta at pagbabawal sa pagkakalat kung saan-saan
  • Magkaroon ng mas maraming Material Recovery Facilities (MRF) para sa pagrerecycle ng mga solid waste
  • Pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kaunawaan sa pagrecycle, pagreuse at pagreduce o mas kilala bilang 3R
  • Gampanan ang ating responsibilidad at sumunod sa mga umiiral na batas gaya ng RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na nasa ibaba:  

Ano ang 3r (reduce,reuse,recycle): brainly.ph/question/1105562

Anu ang kahulugan ng reuse recycle reduce: brainly.ph/question/1364007

Ano ang ibig sabihin ng 4r?: brainly.ph/question/2538567

#BetterWithBrainly

Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na maging aktibo at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.