Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Ang panagano ng pandiwa ay tumutukoy sa iba't ibang anyo ng pandiwa ayon sa panahon. Mayroong apat na panagano ng wika. Ito ay ang mga sumsunod:
- panaganong pawatas;
- panaganong pautos;
- panaganong paturol;
- panaganong pasakali.
Basahin ang kahulugan at halimbawa ng panaganong pawatas sa https://brainly.ph/question/435515.
Ang Antas ng Pandiwa
Ang panaganong pandiwang paturol ay tumutukoy sa panagano ng wika kung saan nagbabago ang anyo ng wika batay sa aspekto nito gaya ng:
- perpektibo o angmga salita o kilos na tapos na;
- imperpektibo o ang mga salita o kilos sa kasalukuyan.;
- kontemplatibo o ang mga salita o kilos sa hinaharap.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng panaganong pandiwang paturol:
Ugat Panlapi Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
kain in kinain kinakain kakainin
ibig um umibig umiibig iibigin
tanim nag nagtanim nagtatanim magtatanim
Iba pang halimbawa ng pandiwang imperpektibo, basahin sa https://brainly.ph/question/1941597.
Ang Pandiwa ay ang mga salitang nagsasaad ng puwersa o kilos. Iba pang halimbawa ng salitang Pandiwa, alamin sa https://brainly.ph/question/2172664.
Ang panaganong pandiwang paturol ay mga salitang ugat na maaaring kabitan ng mga panlaping um-, mag- o ma-. Ang um- ay madalas na ginagamit para sa mga internal na aksyon o di kaya'y aksyon ng kalikasan. Ang mag- ay madalas na ginagamit sa eksternal na aksyon at mga hiram na salita. Ang ma- ay maaaring katulad ng kahulugan ng salitang ugat o di kaya'y tumutukoy sa pakiramdam.
Kahulugan ng Panaganong Pandiwang Paturol
Ang panaganong pandiwang paturol ay mga salitang ugat na maaaring kabitan ng mga sumusunod na mga panlapi:
- um-
- mag-
- ma-
Um-
- Ang um- ay madalas na ginagamit para sa mga internal na aksyon o di kaya'y aksyon ng kalikasan.
- Halimbawa: bumasa, bumilang, sumulat, lumakad
Mag-
- Ang mag- ay madalas na ginagamit sa eksternal na aksyon at mga hiram na salita.
- Halimbawa: magbasa, magbilang, magsulat, maglakad
Ma-
- Ang ma- ay maaaring katulad ng kahulugan ng salitang ugat o di kaya'y tumutukoy sa pakiramdam.
- Halimbawa: maawa, mainis, magalit, maasiwa
Iyan ang kahulugan ng mga panaganong pandiwang paturol.
- Ano nga ba ang panlapi? https://brainly.ph/question/281820
- Ano ang panlapi at mga halimbawa nito? https://brainly.ph/question/298476
- Ano ang panlapi at mga uri nito? https://brainly.ph/question/440957
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.