IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Answer:
Kasabihan
Ang kasabihan na tinatawag na "saying" sa wikang Ingles, ito ay tumutukoy sa mga pangungusap na madalas nagpapakita ng magandang aral para sa mga tao.
Mga Kasabihan Tungkol sa Buwan ng Wika
- "Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda." -Jose Rizal
- "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan."
- "Gamitin ang dilang nakasanayan na ikaw rin lang ang makapagpapayaman."
- "Ang wika ay nagbabago at mapagbago."
- "Mahalin mo ang wika nang higit pa sa iyong buhay."
Wikang Filipino
Ang pambansang wika ng Pilipinas ang wikang Filipino ay may taglay na malalim, malawak at natatanging kaalaman at karunungan. Kung mahusay nating magagamit ito sa ating buhay at iba-iba pang mga aspeto nito ay masasabi ngang magbubunga ito ng kaunlaran at karunungan. Ang wikang ito na mahiwaga na nagpababatid ng mga kaalaman ay lalong mabisang maikakasangkapan sa ating pambansang kaunlaran kung ito'y lubos at puspusang pinapairal sa iba't-ibang larangan at disiplina.
Samakatuwid, napakahalaga ng wikang Filipino sa iba't ibang larangan at disiplina sapagkat ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas ng bansa. Wikang Filipino ang kaluluwa ng Pilipinas, ang karunungan nito ang susi sa pambansang pag-unlad sa iba't-ibang aspeto para sa iisang minitmithing tagumpay.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:
Essay tungkol sa: Wikang Katutubo Tungo Sa Isang Bansang Filipino: brainly.ph/question/2341798
Sanaysay tungkol sa Wikang Katutubo Tungo sa isang Bansang Pilipino: brainly.ph/question/2328591
#LearnWithBrainly
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.