Ang salitang Underemployment ay maaaring mangahulugan ng kawalang trabaho o kakulangan ng trabaho ng isa o sa isang bansa. Kadalasang nagiging dahilan nito ay ang mga taong hindi nagkaroon ng tiyansang makapagtapos ng kanilang pag-aaral o mismong hindi nakapag-aral. Gayundin, maaaring maging dahilan din ang katamaran ng isa upang hindi siya makahanap ng trabaho. Ang iba naman ay nahihirapang maghanap ng magiging trabaho dahil sa iba ang kanilang abilidad at kakayanan sa hinihiling ng kumpanya. At kung minsan ay ang mismong gobyerno ang nagkukulang sa pagbibigay o pagdi-distribute ng trabaho gayundin ng pagsasanay sa isa upang makahanap ng maayos na trabaho.