Sagot :

Ang Ugnayan Ng Tao At Kapaligiran

Ang ugnayan ng tao at kapaligiran ay nasa kakayahang mabuhay o mag-survive. Ang tao at ang kapaligiran ay parehong nangangailangan sa bawat isa (https://brainly.ph/question/136279). Kahit na sino o ano man sa dalawa ang mawala ay tiyak mawawala din ang isa.

Ang tao ay tumutukoy sa mga nilalang na nilikha ng Diyos na iba sa ibang pang nilikha. Ang tao ang tinuturing na pinakamataas na antas na nilalang na may buhay. Sila lamang ang may kakayahang makapag-isip. Samantala, ang kapaligiran naman ay tumutukoy sa isang lugar na kinabibilangan o tinitirhan ng mga tao.

Bilang ang mga tao ang natatanging mga nilalang na nilikha ng Diyos, ibig sabihin, sila lamang ang may kakayahan upang pagyamanin ang ano man ang meron sa kapaligiran. Kailangan ng tao na alagaan at pagyamanin ang kapaligiran sapagkat nasa kapaligiran ang kaniyang mga kailangan upang mabuhay. Ibig sabihin, kailangan ng kapaligiran ang tao upang mag-survive at manatili sapagkat hindi kaya ng kapaligiran na mag-survive ng mag-isa lamang at kailangan naman ng tao ang kapaligiran sapagkat nasa kapaligiran ang kaniyang mga pangangailangan.

Kaya, masasabi na ang ugnayan ng tao at kapaligiran ay nasa pangangailangan ng bawat isa upang magpatuloy o mag-survive sa tinatawag na ecosystem (https://brainly.ph/question/1704715).

#BetterWithBrainly