ang katangian ng heograpiya ay nagtatalakay sa mga pisikal,kultural,mga likas na yaman nito ito rin ang ang pag aaral ng mga lugar o ang relasyon ng mga tao sa kanilang paligid. sa pamamagitan ng heograpiya, ang yamang tao o ang mga tao ay natutong mabuhay batay sa likas na kinalalagyan ng kanilang lugar at mula sa mga likas-yaman na maari nilang makuha dito. Sa kalagayan ng Asya, ang mga taon partikular sa Timog-Silangang ay namuhay base sa yamang agrikultural at pangingisda dahil sa ito ang mainam na pamumuhay base sa kanilang heograpiya. Sa kanlurang Asya, dahil disyerto ang lugar na ito, namuhay sila base lamang sa limitadong likas yaman, hanggang sa natuklasan ang yamang langis sa kanilang heograpiyang kinalalagyan na nagbigay daan sa kanilang pag-unlad.