ITO AY ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na gamit ang iba't ibang anyo ng pakikipagtalastasan. Natatangi ang pilosopiya sa pagtalakay ng mga tanong na ito dahil sa mahigpit at binalangkas nitong pamamaraan na gamit ang rasyunal na pangangatwiran.