Tunghayan sa ibaba ang halimbawa ng isang tula na mayroong lalabindalawahing sukat at mayroong tugma.
Malayo ka man sa aking piling ngayon
Sana pag-ibig ko ay lagi mong baon
Ang iyong pansin ay dapat mong ituon
Nang makapiling ka sa tamang panahon
Sumpaan natin ay huwag mong limutin
Ako sa iyo ay maghihintay pa rin
Puso ko ay ikaw lang ang iibigin
Maglaho man ang lahat ay ikaw pa rin
Kaya mahal ko magpakatatag ka pa
Sabay nating kalabanin ang mga sigwa
Nang matunton natin ang tanging dambana
Na pangangakuan ng ating pagsinta