IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan kaysa sa pantay na pamamahagi ?

Sagot :

Mayroong mga nagsasabi na mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng likas yaman ng bayan kaysa sa pantay na pamamahagi nito. Ito ay popular na pananaw sa mga taong naniniwala sa Social Democracy, kung saan makikinabang ang malaking bahagi ng populasyon sa mga libreng serbisyo ng gobyerno gaya ng pagpapagamot, pag-aaral ng kanilang mga anak at libreng pabahay. Mas malaking porsyento ng yaman ang ilalaan upang matugunan ang “basic” na pangangailangan ng mahihirap. Maaari rin na higit na malaking buwis ang sisingilin sa mga lubhang mayayamang miyembro ng lipunan (Super wealthy). Ito ay nakasandal sa paniniwalang higit sa pangangailangan ng mga super rich ang kanilang magagamit sa buhay kung kayat makakabuting ipamahagi ito para sa kabutihan ng lahat. Bagamat hindi tinatawag na “Socialism or Social Democracy” ang buhay ang ating mga ninuno, sila ay sumusunod sa parehong prinsipyo, dahil ang pamumuhay ng mga tao sa kanya kanyang tribo ay nagtutulungan, walang nagugutom dahil ang ani o huli ng ilan ay para sa lahat, kung ang isang miyembro ng komunidad ay may nagibang bahay, ang lahat ay magtutulong-tulong upang maayos ito. Ang ugaling ito ay unti-unti ng nawawala sa ating kultura dahil sa pagpasok ng “Western Style Capitalism”, na nagpapakalat ng pananaw na kanya kanya at pag-uunahang (Competition) paraan ng pag-angat sa buhay. Tunay na mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan kaysa sa pantay na pamamahagi nito.

I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

https://brainly.ph/question/1356272

https://brainly.ph/question/1350782

https://brainly.ph/question/218961