IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

ano ang pinaka malalim na salita ng mahal

Sagot :

Ano ang pinaka malalim na salitang mahal

Ang literal na ibig sabihin ng salitang mahal ay ang mga sumsunod na kasingkahulugan o katumbas na salita:

  • iniibig
  • sinisinta
  • iniirog
  • taong pinapahalagahan / taong importante

Ang pinakamalalim na ibig sabihin ng salitang mahal ay ang mga sumusunod na salita:

  • mataas (pag ang pinag-uusapan ay presyo o halaga)
  • mabigat sa bulsa
  • magastos

Halimbawa ng mga Pangungusap Gamit ang Salitang Mahal

  • Hindi niya nakakalimutan padalhan ng regalo tuwing pasko ang kanyang mahal sa buhay.

Ang ibig sabihin ng mahal pangungusap na ito ay mga mahahalagang tao o importanteng tao gaya ng pamilya, kaibigan at kama-anak.

  • Mahal niya ang isang dalaga kaya't araw-araw niya itong sinusundo at hinahatid hanggang sa bahay ng dalaga.

Ang ibig sabihin ng mahal pangungusap na ito ay iniibig, sinisinta o iniirog.

  • Lubang mahal ang presyo ng mga bilihin sa lahat ng supermarket kahit na sa mga pamilihang bayan o palengke.

Ang ibig sabihin ng mahal pangungusap na ito ay mataas ang presyo o mabigat sa bulsa.

  • Mahal ang mamuhay sa Switzerland ngunit maganda ang kalidad ng pamumuhay.

Ang ibig sabihin ng mahal pangungusap na ito ay magastos.

Ano ang pinakamalalim na salita ng mahal ? https://brainly.ph/question/302460

Ano ang malalim na salita ng maingat? https://brainly.ph/question/2134612

50 malalim na salita https://brainly.ph/question/529274

#LetsStudy