IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto at komunidad. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

anu ang kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan

Sagot :

Kahulugan ng Pangangailangan at Kagustuhan

Ang pangangailangan at kagustuhan ay dalawang magkaibang salita na parehong mahalaga sa isang tao.  Ang pangangailangan ay ang mga bagay na nararapat na makuha o ginagamit ng tao upang mabuhay. Samantala, ang kagustuhan ay tumutukoy sa mga bagay na nakapagpapaligaya sandali katulad ng mga uso at kakaiba sa paningin kaya ginugusto ang mga iyon.

Pangangailangan

Ito ay mahalaga upang mabuhay ang tao ng maayos sa kanyang mga pang-araw araw na gawain. Hindi ito dapat na ipagkait sapagkat isa itong karapatan ng bawat nilalang na makuha o makamit sa kanyang buhay. Ang mga pangangailangang ito ay nagbibigay ng saya at ng saysay sa buhay ng isang tao. Sinumang magnanais na tanggalin ito sa kanya ay maaring maparusahan o makapagdulot ng kabawasan sa moral na pamumuhay ng isang tao.

Ang mga halimbawa ng pangangailangan natin ay:

  • pagkain
  • tirahan
  • edukasyon
  • mga mahahalagang birtud tulad ng pagkakaroon ng pamilya, pagmamahal, pag-aalaga at kaibigan.

Kagustuhan

Ito ay tumutukoy sa mga bagay na nagbibigay kaginhawaan at kasiyahan sa buhay ng isang tao. Ito ay ginawa ng isang tao upang mas mapabuti ang kanyang buhay, mas maging masaya, mas maging komportable at mas lumago ang kanyang sarili. Ito ay maaring hindi magkakatulad sa bawat nilalang sapagkat iba't iba ang kanilang mga ninanais na kagustuhan. Maaaring ito ay magdulot ng maganda sa isang nilalang o maging dahilan ng lungkot, lumbay o pagkalungkot sa indibidwal kapag itoy hindi niya nakamit.

Halimbawa nito ay ang kagustuhan ng tao na makapagtrabaho sa labas ng bansa o sa magagandang kompanya, magkaroon ng kotse o iba pang magagarang sasakyan o di kaya'y ang kagustuhan nitong yumaman.

Kapag tayo ay bibili ng isang gamit, tanungin natin ang ating sarili: "Kailangan ko ba ito o gusto ko lang?". Mahalaga na magsuri muna para matiyak ang mas mahahalagang bagay at makita ang kahalagahan ng pera para hindi ito masayang. brainly.ph/question/550467

Makikita sa brainly.ph/question/548621 ang paliwanag ni Abraham Maslow ukol sa pangangailangan at kagustuhan ng isang tao.

May mga hugot line din tungkol sa pangangailangan at kagustuhan ng tao na makikita sa brainly.ph/question/372033