Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

Ano pong pinagkaiba ng klima sa panahon?

Sagot :

Ang pinagkaiba ng Klima (Climate) sa Panahon (Weather)  ay ang Klima ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang panahon samantalang ang panahon ay kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa loob ng nakatakdang oras.

Ang Klima ay isa sa batayan ng uri ng hanapbuhay, tirahan at gawi at ibang aspeto ng pamumuhay.

Ang pangkalahatang Klima sa Pilipinas ay Tag-Araw mula Nobyembre hanggang Mayo at Tag-ulan naman mula Hunyo hanggang Oktubre. May apat na Uri ng klima ang bansang Pilipinas.

Uri ng klima sa Pilipinas  

  1. Unang uri ng klima na may madalas at maraming pag9-ulan mula Hunyo hanggang Oktubre at tag-araw sa ibang buwan.
  2. Ikalawang Uri ng Klima na walang matinding tag-ulan at maigsi lang ang tag-init.
  3. Ikatlong Uri ng Klima na walang matatawag na tunay na tag-ulan dahil hindi madalas at hindi rin maramo ang pag-ulan.
  4. Ikaapat na Uri ng Klima na may ulan halos sa buong taon.

Para sa dagdag kaalaman tungkol sa Klima ng Pilipinas bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/585746

Uri ng Klima  

  • Tag-araw o Tag tuyot – Pinakamainit at isa sa pinakatuyong mga panahon ng taon.  
  • Tag-ulan ito ay panahon nagaganap sa buwan ng Hunyo at karaniwang natatapos sa buwan ng Nobyembre.  
  • Tag-Lagas – Panahon pagkaraan ng tag-araw at bago dumating ang tag lamig.  
  • Tag-lamig panahon ng tag-yelo o winter.
  • Tagsibol o panahon pagkalipas ng tagyelo at bago sumapit ang tag-init o tag-araw.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Uri ng Klima tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/114231

Uri ng Klima base sa Koeppen’s Climate Classification

  1. Tropikal Humid Climate
  2. Tropical Wet and Dry Climate
  3. Arid Climate
  4. Moist Tropical-Mild latitude Climate
  5. Continental Climate
  6. Polar Climate

Para sa dagdag kaalaman tungkol sa Koeppens Climate Classification bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/1565096