Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo, may sukat ito na 44.58 kilometro kwadrado at ang mga kakayahan at talino ng mga asyano ang nagbigay daan upang makapag ambag sila ng mga bagay na nagbigay ng malaking kapakinabangan sa mundo. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga bagay na nilikha ng mga Asyano na nagbigay ng malaking kapakinabangan sa mundo:
Tsaa - isa sa mga pinakapaboritong inumin sa buong mundo na umabot hanggang sa kanluraning mga bansa.
Chess - isang board game na naimbento sa India at isa sa mga pinakasikat na isport sa kasalukuyan.
Great Wall of China at Taj Mahal ng India - ilan lamang ang dalawang lugar na ito sa mga maipagmamalaking tourist spot ng Asya.
Ang sistema ng batas, pagtatanim at pakikipagkalakalan ay itinatag sa Asya.
Ang pagsulat, papel, pulbura at compass ay nagmula sa Tsina