Si Antonio de Morga, auditor ng Audiencia Real sa Manila ang namuno sa 2 barkong lumunsad nuong Deciembre 12, 1600, sakay ang mahigit 600 sundalong Español. Pagkaraan ng 2 araw, nuong Deciembre 14, 1600, sinagupa nila ang mga Dutch sa Azebu, 25 kilometro mula sa Mariveles. Higit na mahusay sa digmaang dagat ang mga Dutch. Ilang ulit nilang pinaputukan ng mga kanyon (cañones, cannon) ang barko ni De Morga, ang San Diego, na nabutas at nagsimulang lumubog.