"NANG"
(1) Inilalagay sa gitna ng mga salitang-ugat, mga pawatas, o mga pandiwang inuulit nang dalawang beses.
mga halimbawa: dasal nang dasal, kanta nang kanta (salitang-ugat)
mag-ipon nang mag-ipon (pawatas)
nagsayaw nang nagsayaw (pandiwa)
(2) Nagsasaad ng dahilan, paraan, at oras ng kilos. Sumusunod sa mga pandiwa o mgapang-abay, at sumasagot sa mga tanong na "Paano? Kailan? at Bakit?"
mga halimbawa:
-Nag-aaral nang tahimik ang mga estudyante.
Tanong: Paano nag-aaral ang mga estudyante?
Sagot: Nang tahimik.