Ang Duplo at Karagatan ay mga matatandang Pilipinong panitikan.
Ang Duplo ay isang uri ng panitian na isinasama sa pagdarasal sa lamay. Ito ay binubuo ng mga bangkiwi, biro at mga palaisipan. Nang tumagal, ito ay naging isalng debateng madula na ginagamitan ng mga berso.
Ang Karagatan naman ay isa ring larong may pagtula na tungkol sa singsing na pagmamay-ari ng isang dalaga. Ito ay nahulog sa karagatan at kung sinumang binata na makakakuha ng singsing ay mamahalin ng nasabing dalaga. Nagpapasikatan ang mga binata sa pamamagitan ng pagtula.