Tama naman na 'pag may itinanim kay ay mayroon kang aanihin. Nangangahulugan ito ng RESULTA o EPEKTO palagi ng ginagawa ng isang tao. Maaaring mabuti ang kanyang aanihin, pero pwede ring masama ito batay pa rin sa kanyang itinanim. Halimbawa, kung palaging nagtatanim ng poot ang isang tao sa kanyang kapwa, sa kalaunan ay baka mapapatay niya ang tao. At siya ay mananagot sa kanyang ginawa, maaaring makukulong siya o gagantihan din siya. Sa kabilang banda naman, kung mabait at mabuti ang isang tao sa kanyang kapwa, gagantihan din siya ng kabutihan.