Ang maikling kwento ay isang masining na uri o anyo ng
panitikan. Ito ay maiksing salaysay tungkol sa isang pangyayari na binubuo ng
isa o ilang tauhan na may iisang impresyon lamang. Ang susunod na akda ay isang
halimbawa ng maikling kwento ng Mindanao. Ito ay tungkol sa isang reynang
matapat, matalino, at mahigpit ngunit maayos na namumuno sa isang kapuluan—ang Kutang Bato (ngayo’y
Cotabato). Sa kanyang pamamalakad, naging maayos at tahimik ang pamumuhay ng
mga taga Kutang-Bato. Naging maunlad sila at sagana. Isa sa mga mahigpit niyang
pinapapatupad na patakaran ay ang paggalang,
paggawa, at katapatan ng kanyang mga tauhan. Lalong nakilala ang kaharian ni
Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa
katapatan.
Buksan at basahin ang nakalakip na dokumento sa ibaba: