Answered

Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

bakit mahalaga ang prinsipyo ng pakikipagtulungan at pakikipagbuklaran sa loob ng lipunan?

Sagot :

Ang terminong prinsipyo ay tumutukoy sa mga katotohanang hindi kailanman nagbabago lumipas man ang panahon at kasaysayan  ng tao. Kaya naman ang lakip na resulta nito ay nagaganap. Ang prinsipyo ng pakikipagtulungan at pakikipagbukluran ay mayroong kakayahan. Mahalaga ito upang manatiling maligaya, masagana at payapa ang isang lipunan.

Ang pakikipagtulungan ay tumutukoy sa pagbibigay ng tulong sa isa na nangangailangan. Lahat tayo ay may pangangailangan upang mabuhay. Sa paanuman, ang mga pangangailangan na iyon ay nagmumula sa iba. Sila din naman ay may kailangang din sa iyo at sa iba. Kaya naman patuloy na gumagana ang mga programa at batas ng isang pamahalaan o organisasyon dahil sa pagbibigay ng tulong sa isa't-isa.

Ang pakikipagbukluran ay tumutukoy naman sa pagkakaisa sa gawain, motibo at layunin. Dahil nakikisama ka sa iyong kapuwa, napaglalabanan nito ang pagiging kanya-kanya o makasarili. Nagkakaroon ng kaayusan, kapayapaan at naaalis ang anumang hadlang ng mga gawain at pagsulong.

Ang isang lipunan, maliit man ito o malaki ay komplikado. Kailangan ng koordinasyon o komunikasyon. Imposibleng magawa ito kung wala ag espiritu ng pagtutulungan at pakikipagbukluran.

Epekto ng Pakikipagtulungan at Pakikipagbuklaran

Ano ang epekto ng hindi pagpapasulong ng ganitong mga katangian?

  • Maaaring mawala ang balanse ng pangangailangan at suplay nito.
  • Lalaki ang antas ng krimen gaya ng pagnanakaw, patayan at iba pa.
  • Mawawala ang mga asset gaya ng tao dahil sa pangingibang-bansa.
  • Bababa ang moralidad, kaligtasan at maligayang buhay ng mamamayan nito.

Paano mo Maipapakita ang Pakikipagtulungan at Pakikipagbuklaran?

May tatlong hakbang na puwede kang magawa.

  1. Kumilos ayon sa iyong kakayahan na unahin ang kapakanan ng iba kaysa sa sariling interes.
  2. Turuan ang mga bata; magsimula sa tahanan.
  3. Ipakita ito sa gawa kahit hindi nakikita ng iba.

Bakit mahalagang makapagtatatg ng isang lipunan? Basahin ang sagot sa https://brainly.ph/question/586980.

Paano masasabing matiwasay ang lipunan? Basahin ang sagot sa https://brainly.ph/question/22438

Malaki ang kinalaman ng pakikipagtulungan at pakikipagbukluran sa paggawa. Alamin ito sa https://brainly.ph/question/798764.