Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Ang SANHI ay tumutukoy sa ugat at dahilan ng pangyayari, samantalang ang BUNGA naman ay tumutukoy sa resulta o sa kinalabasan ng pangyayari.
Ano nga ba ang mga pang ugnay na ginagamit sa sanhi at bunga?
Mga halimbawa ng mga pang ugnay na ginagamit sa sanhi
- Sapagkat
- Dahil sa
- Palibhasa
- Kasi
Halimbawa nito sa pangungusap
- Nawala ang tiwala niya sa kanyang kaibigan,sapagkat nalaman niyang sinisiraan siya nito sa iba pa niyang kakilala.
- Dahil sa malakas na ulan ay bumaha sa aming Probinsya.
- Agad siyang nakapasok sa trabaho sa pamahalaan palibhasa ay anak siya ng isang pulitiko.
- Siya ay pinauna sa mahabang pila kasi meron siyang kapansanan.
Mga halimbawa ng mga pang ugnay na ginagamit sa bunga
- Kaya
- Dahil dito
- Bunga nito
- Tuloy
Halimbawa nito sa pangungusap
- Kaya siya ang nanalo sa isang paligsahan,dahil siya ay napakahusay.
- Matalino at mabait na bata si Karen,dahil ditto siya ay kinatutuwaan ng marami.
- Palaaway at nanakit sa kanyang mga kalaro si James,bunga nito nilalayuan na siya ng kanyang mga kaibigan.
- Nagpakita ng husay sa pagkanta si Gemma,tuloy sya ang napili upang ilaban sa paligsahan sa pagkanta sa ibang bayan.
Buksan para sa karagdagan kaalaman sa sanhi at bunga
https://brainly.ph/question/1719029
https://brainly.ph/question/1216225
https://brainly.ph/question/84847
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.