Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.
Sagot :
Ang pamilya ang itinuturing na pundasyon ng lipunan dahil sa pamilya nag mumula ang isang indibidwal na siyang maaring mag paunlad ng ating lipunan,Kaya nabuo ang isang lipunan dahil sa bawat meyembro ng pamilya,Ang bawat nanunungkulan sa isang lipunan ay galing sa isang pamilya,taga pagpatupad ng batas,nagmula sa isang pamilya,pulis,guro,abogado,mga nanunungkulan sa gobyerno at atbp.ay nagmula sa isang pamilya. Sa makatuwid dapat palang mayroong magandang samahan ang pamilya o mayroong magandang pondasyon upang makabuo ng isang maunlad at mabuting lipunan.
Kung ang isang pamilya ay wasak,magulo,walang pag-kakaisa.Pwedeng ang isang indibidwal na manunungkulan sa ating lipunan na galing sa ganitong pamilya ay maaring ganun din ang maging turing niya sa kanyang nasasakupan,na magiging dahilan ng pagkasira at pagkakagulo ng ating lipunang ginagalawan.
Dapat taglayin ng isang Pamilya para sa magandang pundasyon ng lipunan:
- Pamilyang nagkakaisa
- Pamilyang may takot sa diyos
- Pamilyang may pagbibigayan
- Pamilyang nagtutulungan
- Pamilyang may paggalang at respeto sa bawat isa.
- Pamilyang may pagmamahalan sa bawat isa.
- Pamilyang nagkakaisa- Ito ang uri ng pamilya na mayroong iisang mithiin sa mga bagay na alam nilang makakabubuti sa bawat isa at sa lipunan.
- Pamilyang may takot sa diyos – Ito ang uri ng pamilya na takot gumawa ng mga bagay na alam nilang hindi kalulugdan ng ating panginoon.
- Pamilyang may pagbibigayan- Ito ang uri ng pamilya na marunong magbigay sa kanyang kapamilya o kapwa,pamilyang hindi makasarili.
- Pamilyang nagtutulungan – Ito ang uri ng pamilya na bukas ang palad na tumutulong at nagbibigay sa kanyang pamilya at kapwa.
- Pamilyang may paggagalang at respeto sa bawat isa – Ito ang uri ng pamilya na iginagalang ang hangarin o kagustohan ng bawat meyembro ng pamilya na alam nilang makabubuti para sa kanilang lahat at sa lipunan.
- Pamilyang may pagmamahalan sa isat-isa – Kung ang bawat meyembro ng pamilya ay may pagmamahalan sa bawat isa handa silang rumespeto,magbigay,tumulong,umunawa, sa bawat isa na hindi nag hihintay ng anumang kapalit dahil ito ay bukal sa kanilang kalooban.
Ilan lamang iyan sa mga dapat taglayin ng isang pamilya upang maging matatag ang isang lipunan,Oo nga at sa panahon ngayon ay hindi maganda ang kalagayan ng ating lipunan ngunit hindi pa naman huli ang lahat upang ito ay maisaayos,kaylangan lang ng pagtutulungan at pagkakaisa,para sa magandang kahihinantnan.
Buksan para sa karagdagang kaalaman.
https://brainly.ph/question/1603544
https://brainly.ph/question/554118
https://brainly.ph/question/567953
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.