IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksperto. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

Ano ang kahulugan ng binhing nakatanim?

Sagot :

Nczidn

“binhing nakatanim”


Ito ay isang matalinghagang pahayag. Himayin natin ang kataga. Kapag sinabi nating binhi, ibig sabihin ito ay “seed” o ‘yung itinatanim para tumubong halaman at / o puno.


Kapag sinabing binhing nakatanim, ibig sabihin nito ay may iniwang bagay, kaisipan, o diwa na maaaring yumabong o paunlarin pa kalaunan.


Ang iba ay binibigyang kahulugan ito sa piguratibong paraan bilang alaala, tradisyon, o pangyayaring ipinunla at pinatutubo ay aanihin sa pamamagita ng pagpapasalin-salin sa mga tao na siyang magiging kasanayan. Tinatagurian ding pamana ng nakalipas o kasaysayan ang binhing nakatanim.


Kaya kung ang binhing nakatanim ay ang tradisyon at kultura, ibig sabihin ay inaani’t pinapaasenso pa lalo ng mga mamamayan ng lipunan.


Sa katunayan, ang ‘binhing nakatanim’ ay makikita o mababasa sa tula ni Pat Villafuerte na “KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan”.


At dahil nga matalinghaga ang pahayag na binhing nakatanim, ito rin ay maaaring tawaging idyoma o idyomatikong ekspresyon. Kapag idyoma o idyomatikong ekspresyon, ito ay ‘yung mga pahayag na di- tuwirang nagbibigay ng kahulugan. Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay- bagay sa ating paligid kaya naging retorikang pagpapahayag.


Pero syempre, kung literal na kahulugan ng binhing nakatanim ang hinahanap mong kasagutan, edi ito ay ‘yung tinanim ang binhi, buto ng halaman o seed (kung gusto mo ay sa wikang Ingles) sa lupa. Common sense, ika nga.


Kung kailangan mo naman ng mga halimbawa sa pangungugsap - pangungusap na may ‘binhing nakatanim’, tingnan ang mga naka-enumerate sa ibaba:


1. Ang mga pamahiin na ito ay mga binhing nakatanim at ang nagpunla malamang ay ang ating mga ninuno.


2. Ang daming kuwento ni Lola sa mga apo niya. Malamang na ang mga kuwento niya ang magsisilbing binhing nakatanim sa angkan nila.


3. Binhing nakatanim sa Pilipinas ang talento ng mga Pilipino sa sining.


4. Sana sa halip na galit ang itanim mo sa puso mo ay pag-ibig na walang kundisyon ang gawin mong binhing nakatanim sa buhay mo.


5. Dahil sa binhing nakatanim na pagpapabagsak sa diktadurya, kumikilos lagi ang mga tao para muli’t muling pabagsakin ang pasismong sistema ng mga gustong maghari-harian.



Narito naman ang mula o halaw sa tula ni Pat V. Villafuerte na “KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan”:


NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,

binhing nakatanim ang maraming kulturang

nag-uumapaw sa ating diwa



Link na may kaugnayan! Tingnan din ang link na ito: Ayon sa " KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte " ano ang naging mensahe nito ?? at ano ang sinasabi ng tula sa kultura .. ? ? - https://brainly.ph/question/22361


******


Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang mga link na ito:


Ano ang kahulugan ng 1. binhing nakatanim? 2. pagtalunton? 3. itinudla ng nakaraan? 4. nag-uumapaw sa ating diwa? 5. tangis ng pamaalam? - https://brainly.ph/question/155060


Ano po ang ibig sabihin bg binhing nakatanim, pagtalunton, itinudla ng nakaraan, nag-uumapaw sa ating diwa, tangis ng pamamaalam ? - https://brainly.ph/question/32345


May kaugnayan! Tingnan ang link na ito: Ano ang pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain at Kasabihan - https://brainly.ph/question/12284