Tayahin ang Iyong Pag-unawa
Gawain 1: Pagsuri sa sitwasyon
Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon at ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan. Sagutan
ang mga tanong sa ibaba.
1. Magkakasama kayo ng iyong mga kaibigan na kumakain sa inyong school canteen.
Masaya kayong nagkukuwentuhan sa mga hilig ninyong gawin nang biglang
napunta ang usapan tungkol kay Hazel, isa rin sa inyong kamag-aral. Wala siya sa
grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa
isang lalaking may asawa at may dalawang anak. Kapitbahay ninyo si Hazel.
Mga Tanong:
1. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
2. Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaibigan mong
nagkukuwentuhan tungkol kay Hazel?
3. Anong hakbang ang gagawin mo upang malaman ang totoo?
4. Bakit kailangang gamitin ang isip at kilos-loob sa paggawa ng mga angkop na
kilos upang maipakita ang katotohanan? Ipaliwanag.