Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

PU...
5)
9AM
A. Panuto: Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng salawikain at kasabihan.
Tukuyin ang mahalagang kaisipang napapaloob sa mga karunungang-
bayang
nabanggit mula sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa hiwalay na
sagutang papel.
Hanay A
1. Matibay ang walis palibhasa'y
nabibigkis.
2. Ang mabuting halimbawa, ay
higit na mabisa kaysa pahayag
na dakila
3. Sa panahon ng kagipitan,
nakikita ang tunay na kaibigan.
4. Ang magalarig na sagot ay
nakapapawi ng poot.
5. Kung may tiyaga, may nilaga.
6. Sa paghahangad biyaya at
kagitna, isang salop ang nawala.
7. Nasa Diyos ang awa, nasa tao
ang gawa.
8. Ang katamaran, kapatid ng
kagutoman.
9. Aanhin ang bahay na bato, kung
ang nakatira ay kuwago.
10.Ang lumalakad nang matulin,
kung matinik ay malalim. Ang
lumalakad nang mabagal, kung
matinik ay mababaw.
Hanay B
A. Paninindigan at pagsasakripisyo sa sarili
at pamilya ay makatatanggap ng biyaya
at magandang kinabukasan.
B. Ang lakas ay nakukuha sa pagsasama o
pagkakaisa.
C. Sasamahan ka sa pait at ligaya.
Tutulungan kang malagpasan ang lahat
ng pagsubok na darating sa buhay.
D. Ang paggawa ng Mabuti ay dapat hindi
lang malagpasan ang lahat ng pagsubok
na darating sa buhay.
E. Pag-isipang Mabuti ang bawat desisyon
sa buhay kung makasasama of
makabubuti sa iyo upang hindi magsisi-
sa huli.
F. Ang paghahangad ng sobra-sobra o
kasakiman ay naghahatid sa kawalan.
G. Ang Diyos ay maawain, mahabagin at
mapagmahal. Tiyak na hindi pababayaan
ang tao sa mundo ngunit kailangan
dinng tao na magsumikap at kumilos.
upang mabuhay ang sarili.
H. Ang tao kapag tatamad-tamad at hindi
nagsusumikap sa buhay ay magugutom.
1. Ang pagsagot ng po at opo o walang
kabastosan ay nagtatanggal ng galit.
J. Hindi mahalaga kung ano man ang iyong
katayuan sa buhay kung hindi ang
pagpapakita ng kagandahang-asal.
20...
OPM
13
CO_Q1_Filipino 8 Module 1

Sagot :

  1. B. Ang lakas ay nakukuha sa pagsasama o pagkakaisa.
  2. D. Ang paggawa ng mabuti ay dapat hindi lang malagpasan ang lahat ng pagsubok na darating sa buhay.
  3. C. Sasamahan ka sa pait at ligaya. Tutulungan kang malagpasan ang lahat ng pagsubok na darating sa buhay.
  4. I. Ang pagsagot ng po at opo o walang kabastusan ay nagtatanggal ng galit.
  5. A. Paninindigan at pagsasakripisyo sa sarili at pamilya ay makatatanggap ng biyaya at magandang kinabukasan.
  6. F. Ang paghahangad ng sobra-sobra o kasakiman ay naghahatid sa kawalan.
  7. G. Ang Diyos ay maawain, mahabagin at mapagmahal. Tiyak na hindi pababayaan ang tao sa mundo ngunit kailangan ding tao na magsumikap at kumilos upang mabuhay ang sarili.
  8. H. Ang tao kapag tatamad-tamad at hindi nagsusumikap sa buhay ay magugutom.
  9. J. Hindi mahalaga kung ano man ang iyong katayuan sa buhay kung hindi ang pagpapakita ng kagandahang-asal.
  10. E. Pag-isipang mabuti ang bawat desisyon sa buhay kung makasasama o makabubuti sa iyo upang hindi magsisi sa huli.