Bawat kilos ninyo ay gumagawa kayo ng sariling pagpapasya na nagsisilbing gabay sa gpili at pagkilos. Paano makatutulong ang iyong isip at kilos-loob sa pang-araw-araw na nagawa mo at ano ang resulta nito. Sumulat ng tatlong (3) karanasan mo sa buhay na gumaw ang pagpapasya. Gawing halimbawa ang nakatala sa ibaba. Situwasyong Naranasan Halimbawa: Wagkasabay ang skedyul ng praktis sa basketbol at takdang- araw ng pagpasa ng proyekto sa EsP. Ginawa mo Gamit ang Isip Tinimbang ko kung ano ba ang mas nararapat. Unahin ang praktis bigyang prayoridad ang pagpasa ng aking proyekto sa EsP. Ginawa mo Gamit ang Kilos-Loob Pinakiusapan ko ang aking coach na hahabol na lang ako sa praktis at ginawa ko ang aking proyekto sa EsP. Resulta ng Kilos Nakapraktis ako sa basketbol at nakapasa ako ng aking proyekto sa nakatakdang oras. Natuwa ang aking coach, gayundin ang aking guro dahil ako ay naging responsable sa pagtupad sa aking mga tungkulin. Dahil dito, naging masaya rin ako.