IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao o community of persons na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan. Ang pamilya ay mayroong misyon na bantayan , ipakita at ipadama ang pagmamahal. Ang pamilya ay isang mabuting pangangailangan ng lipunan (necessary good for society); kaya't kapag hindi ito iginalang, mapanira ang epekto nito sa lipunan sa kabuuan.
Nabuo ang pamilya sa pagmamahal ng isang lalaki at babaeng nagpasyang magpakasal at magsama ng habangbuhay. Ang pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa (conjugal love) ay nakapagbibigay buhay (dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak), kaya patungo ito sa pagmamahal ng magulang (paternal love).
Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay buay. Mahalaang maging bukas ang pamilya sa kapwa pamilya at maayos na gampanan ng bawat kasapi nito ang kanilang tungkulin sa lipunan.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.