IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
Answer:
Ang wika ay isang napakahalagang instrumento na magagamit natin sa pakikipagtalastalasan at pakikisalamuha sa ibang tao. Sa pamamagitan nito, madali nating naipapahayag ang ating saloobin at damdamin sa ibang tao. Ang wika ang nagsisilbing gabay sa atin upang makapaghatid tayo ng impormasyong kinakailangang maunawaan ng nakararami. Halimbawa na lamang ay ang pag-uulat ng napapanahong balita o mga krimen na nangyayari sa loob at labas ng ating bansa ng sa gayon ay maging alerto ang bawat tao sa kung ano ang kanilang nararapat na gawain upang mawakasan ang mga ganitong uri ng sitwasyon. Mahalaga na alamin at maunawaan natin ang iba’t ibang wika upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa mga bagay bagay. Ito ang nagiging gabay sa mga hakbang na ating kinakailangan upang maisakatuparan ang ating tungkulin sa pang araw-araw na buhay. Bukod pa dito nagkakaroon tayo ng kalayaan na makapagsalita at makapag komento sa mga pangyayari. Kung wala ang wika, mananatili na lamang tayong bulag at pipi sa mga problemang ating kinakaharap. Laging pakatatandaan na ang wika ay buhay at ito ay ginagamit lamang sa paghahatid ng lehitibong ulat o impormasyon sa bawat isa
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magtatagumpay. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.