ano ang tema sa kuwento na ito? :sa gitna ng madilim na gabi may isang lalaki na nagpalaboy-laboy sa kalsada siya ay si masamwel siya ay palaboy-laboy sa daan nanghihingi ng pera para lang may makain siya ay napunta sa ganoong sitwasyon ng iwan siya ng kanyang mga magulang sa bahay ampunan ngunit kalaunan siya'y naglayas upang hanapin ang mga magulang hindi naman sumagi sa isip niya na mapunta sa ganong sitwasyon habang siya'y naglalakad may nabangga siyang isang matandang babae na dahilan ng pagkatapon ng mga dala nito si samuel ay lubhang kinabahan dahil sa nangyari agad niyang pinulot ang mga gamit kahit bumibilis ang pagtibok ng puso dahil sa kabang nararamdaman ang matandang babae na nagngangalang josephine i labis na natuwa sa pinakitang kabutihan ng lalaki dahil minsan niya lang makakita ng isang mabait na palaboy-laboy na bata minsan kasi ay imbes na tulungan ay tatakbuhan pa ito habang dala ang mga gamit kung iiklian ay isang magnanakaw ng maiabot na ni samuel ang mga gamit at akmang aalis ng pigilan siya ng matandang babae
"iho tanggapin mo itong kwintas" -si josephine "Ano ho ito?"- si samuel
"Isa itong kwintas na makakapagbabago ng buhay mo"- si josephine
napapikit si samuel ng masilawan siya ng isang ilaw pagkadilat niya i wala na sa harapan niya ang matandang babae napatingin na lang siya sa kanyang dibdib at nakita na may kwentas na suot kwintas na ibinigay ng matandang babae pagkalipas ng ilang minuto ng makaramdam ng antok si samuel siya ay pumunta sa isang upuan at natulog umaga na ng magising samuel na nasa isang magandang palasyo na siya siya ay nagtaka at agad na napabalikwas ng upo inilibot niya ang tingin sa loob ng malaking kwarto lumipas ang ilang minuto ng biglang bumukas ang pinto dahilan para mailipat ang kanyang atensyon doon. pumasok ang isang mala dyosang babae sa loob ng kwarto kung sa nasaan siya hindi mapigilan ni samuel ang mapatulala sa diyosang babae na nasa harapan niya.
" gising ka na pala,ginoo." Si Josephine
" sino ka"- si samuel
Napangiti ang babae dahil sa tanong ng lalaki pinagmasdan ni samuel kung paano pumikit ang babae at palibutan ng isang nakakasilaw na liwanag dahilan para takpan niya ang kanyang mga mata. nang mawala ang liwanag ay napasilip si samuel galing sa pagtakip ng mga palad sa mata at laking gulot nito ng makita ang isang matandang babae na tinulungan niya kahapon sa isang diyosang babae na biglang naging isang matandang babae.
" ako ay isang diwata na may misyong bigyan ng biyaya ang mga taong may busilak ang puso" bumalik ang tunay niyang anyo bilang isang magandang diwata "kagaya mo"
"kagaya ko?" Si Samuel
" nakita at naramdaman ko na isa ka sa taong karapat dapat na biyayaan." lumapit siya sa akin gumiti siya at hinawakan ang kamay ko "sanay tanggapin mo ito ng buong puso"
"Anong biyaya?" Si Samuel.
" ikaw ay biniyayaan ng isang palasyo na ikaw ang magmumuno." Saad niya "handa ka na bang mamuno?"
" palasyo? magmumuno? teka lang naguguluhan ako"-si samuel
" huwag kang mag-alala ako ang nautusang samahan ka sa pamumuno"
"kung gayon papayag ako" ngumiti ang diwata sila ay naghawak kamay at sabay na pumikit.
sa isang iglap sila ay naglaho ng parang bula lumipas ang ilang taon ang palasyong pinamumunuan ni samuel ay kilala bilang isa sa mga makapangyarihang palasyo hindi lang makapangyarihan kundi matatag at mababait rin kaya mas maraming tao ang rome respeto sa kanya kasama ang diwata na naging reyna at asawa ni samuel sa kabila ng paghihirap huwag isipin ang gumawa ng masama dahil sa akala mong pinapahirapan ka ng mundo tandaan ay isa lang itong pagsubok dahil ang kabutihan ay mas niyayanig kaysa sa kadiliman.