IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

BALITA
Hirap sa pag-iwas sa plastic, idinaing ng ilang consumer
Dapat isaalang-alang ang kakayahan ng tao na bumili ng mga reusable containers, kaugnay ng gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang paggamit ng single-use plastic sa bansa, ayon sa ilang konsyumer.
Para sa mamimiling si Abigail Bucas, mas magiging "mahirap" sa kaniyang budget kapag nawala ang mga tingi na produkto gaya ng sachet.
"Mas tipid po ako doon (sa tingi). Mahihirapan talaga ako sa budget kapag nawala ang mga sachet," ani Bucas.
May nakikita ring problema ang konsyumer na si Rio Adriano sa paggamit ng plastic lalo na kapag mamamalengke.
"Ang frustrations namin bilang mga consumer, rainy season po ang Pilipinas parati paano kung gumamit ng paper bag, 'pag nabasa mahirap po iyon," ani Adriano, na gumagamit ng eco bag sa pamamalengke.
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, nag-iisip na sila ng mga alternatibo para mapalitan ang plastic. Isa rito ang paggamit ng cassava starch para mapalitan ang ilang lalagyan. "Yung plastic ban, we have nothing against that but what we are trying to think right now is better alternative for the plastic ban. We don't want Juan Dela Cruz to suffer more," ani Antiporda.
Ayon sa advocacy group na Global Alliance for Incinerator Alternatives, pangatlo ang Pilipinas sa pinakamalaking plastic polluter sa karagatan, kasunod ng China at Indonesia.
Para sa grupo, dapat mas himukin ang pagre-refill at muling paggamit ng mga materyales na tumutulak para sa mga alternatibo matryales sa halip na papel.
"[We could have] refill stations, massive reuse of materials. Mayroon tayong mga reusable containers [gaya ng] bags, bayong. Nanggaling na tayo noon sa ganoong kultura so it is doable," ani Beau Baconguis, miyembro ng GAIA.
Tingin naman ni Baconguis na mapapasa ang panukala lalo na't si Duterte na raw ang nagsabi nito. Dapat din daw siguraduhin ng gobyerno na mapapatupad ang panukala, sakaling gawin itong batas.




Source: https://news.abs-cbn.com/news/11/12/19

Sagutin ang sumusunod na katanungan.

Ano ang pangunahing suliranin na nabanggit sa balita?
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ayon sa balita, noon ay gumagamit tayo ng reusable container para sa pag-refill at paggamit ibang materyales sa halip na papel. Sa iyong palagay, maganda ba ang kalalabasan ng mga panukala sa ating kapaligiran at likas na yaman kung sakaling ito ay mapatupad bilang batas? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________​

Sagot :

Answer: Ang pangunahing suliranin sa nabanggit sa balita ay ang polusyon dulot ng paggamit ng plastik. Kapag ito ay pinabayaan at hinayaang lumaganap ay kalaunang pagsibol naman ng iba pang mga suliranin kagaya na lamang ng improper waste disposal.

Sa aking palagay, maganda ang kalalabasan ng mga panukalang mapapatupad hindi lamang sa ating kapaligiran at likas na yaman kundi pati na rin sa ating kalusugan at ating "well-being" bilang isang mamamayan. Ito ay magsisilbing daan upang pagaanin o hindi kaya'y lutasin ang problemang umiikot sa polusyon, basura, at sa ating kalikasan.

Explanation: Yun lang po, blessed Saturday :)