IDNStudy.com, kung saan ang kuryusidad ay nagtatagpo ng kalinawan. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

magbigay ng 20 halimbawa ng pangungusap na may simuno at panaguri????

Sagot :

Mga 20 na Halimbawa ng Pangungusap na may Simuno at Panaguri

Para makabuo ng pangungusap, ang pangungusap ay binubuo ng simuno at panaguri. Ang simuno ay ang paksa o tinutukoy sa pangungusap habang ang panaguri ay ang bahagi ng pangungusap na naglalarawan o tumutukoy tungkol sa paksa.

Mga Halimbawa:

Pansinin na ang simuno ng pangugusap ay naka bold na letra habang ang panaguri ng pangungusap ay may salungguhit.

  1. Si Anton ay mabilis tumakbo.
  2. Lumundag sa bintana ang pusang itim.
  3. Hindi mahanap ang nawawalang bata na si Luna.
  4. Sina Anton at Arthur ay tunay na magkapatid.
  5. Ang ulan ay kailangan ng magsasaka.
  6. Masayang naglalaro sa ilog ang mga bata.
  7. Luhaan na bumalik si Mang Karding.
  8. Ang bagyo ay isa sa mga problema ng bansa.
  9. Pasko ang pinakahihintay ng lahat.
  10. Walang dalang regalo si Abel.
  11. Hindi dumalo sa piging ang mag-anak.
  12. Hindi makauwi si Igme.
  13. Ang aso ay kaibigan ng mga tao.
  14. Siya lamang ang naiiba sa lahat.
  15. Bumalik sa nayon ang unggoy.
  16. Sa gubat nakatira si Alfonso.
  17. Bigas ang pangunahing pagkain sa Asya.
  18. Hindi na makapagsalita si Ester.
  19. Madalas magtalo ang mag-asawa.
  20. Ako ang dahilan ng kaguluhan.

Magbigay ng limang pangungusap na may simuno at panaguri https://brainly.ph/question/313016

10 pangungusap na may simuno at panaguri https://brainly.ph/question/128465

#BetterWithBrainly