IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto ay sumasagot sa iyong mga tanong. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

ano ang ibigsabihin ng banghay?

Sagot :

Kahulugan ng Banghay

Ang ibig sabihin ng banghay ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa paksa o kaya sa kuwento. Nakaayos ang mga pasalaysay na pangyayari.

Sa Ingles, ang banghay ay outline.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng banghay, maaaring pumunta sa link na ito: brainly.ph/question/341201

Bahagi ng Banghay

  • Simula - dito nababanggit ang kilos, paghubog sa tao, mga hadlang o suliranin.
  • Gitna - naglalaman ng sunud-sunod at magkakaugnay na mga pangyayari.
  • Wakas - nagkakaroon ng kalutasan ang problema o suliranin.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa bahagi ng banghay, maaaring pumunta sa link na ito: brainly.ph/question/311602

Elemento ng Banghay

  1. Panimulang Pangyayari - pinapakilala ang mga tauhan at tagpuan ng isang kuwento.
  2. Pataas na Aksyon - pinapakita ang pagtaas o pagtindi ng kilos o galaw ng mga tauhan na maaaring humantong sa sukdulan at nahahati sa dalawang bahagi na saglit na kasiglahan at tunggalian.
  3. Kasukdulan - pinapakita rito ang mataas na bahagi ng kapapanabikan na maaaring dulot ng damdamin o pangyayaring maaksyon sa buhay ng tauhan.
  4. Pababang Aksyon - dito makikita ang paunti-unting paglilinaw ng mga pangyayari at hudyat nang pagbaba ng aksyon na nagbibigay daan sa nalalapit na pagtatapos ng kuwento.
  5. Wakas at Katapusan - ang kahihinatnan ng mga tauhan ay makikita rito batay sa mga pangyayaring naganap.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa elemento ng banghay, maaaring pumunta sa link na ito: brainly.ph/question/424745