IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Ang modernisasyon ay nagpapabago din ng mga salita o terminong mga ginagamit. Isa sa naapektuhan nito ay ang relihiyosong mga gawain na dat ay ginagawa ng mga ninuno natin. Ngunit dahil sa pagdating ng bagong relihiyon, halos nawawala na ang mga ito. Narito ang mga kahulugan ng mga salitang:
- cañao
- anito
- bathala
- pantas
- sugo
Cañao
Ang Cañao ay isang ritwal kung saan ang mga manok, baboy, mga kalabaw ay ipinagdidiriwang. Dahil sa pananampalatayang Kristiyano, ang Cañao ay unti-unti nang nawawala. Sa kabila nito, may ilan pa din na ginagawa pa rin ito sa mga pagkakataon tulad ng pag-aasawa, kapistahan, at kamatayan. Ito ay ipinagdidiriwang ng mga Kankanaey at mga tribo sa Cordillera.
Ang iba pang paliwanag sa cañao ay mababasa sa link na ito: https://brainly.ph/question/324709.
Anito
Ang Anito ay isang diyos na pinapaniwalaan ng mga ninunong Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila. Maaari din itong tumukoy sa mga diwata, espiritu at mga diyos na pinatutungkulan nila ng gantimpala ng ulan, paglaaan ng proteksiyon at patnubay mula sa panganib. Nagkakaroon ng malakihang mga handaan bilang pagpupugay ang mga tao sa mga anito sa pagbibigay ng alay katulad ng mga ani, mga hayop at iba pa. Dinadasalan din nila ito para magkaroon ng himala katulad ng pag-ulan sa kalagitnaan ng tag-tuyot at proteksiyon sa gitna ng laban ng mga tribo.
Bathala
Si Bathala naman ay ang makapangyarihang diyos na nagmula sa mitolohiya ng mga lumang Tagalog. Kilala rin siya bilang Bathalang Maykapal. Si Bathala ay inuugnay sa Diyos ng rehiliyong Kristiyanismo, at ang ibang diyos-diyosan ay pinalitan ng mga santo. Kaya, sa panahong ngayon, ang salitang Bathala ay tinatawag sa Diyos ng Rehiliyong Kristiyanismo ng mga Pilipino ngayon.
Pantas
Ang Pantas ang nangangahulugang matalino, henyo o mga tao na puno ng karunungan. Halimbawa: Nagsasaliksik ang mga pantas upang malinang ang kanilang karunungan.
Sugo
Ang Sugo ay maaaring isang pari na nagsisilbi sa isang simbahan, gabay sa espirituwal, o kaya naman ay pastor.
Sa simpleng salitang makapagpapaliwanag sa mga terminong ito, basahin ang link na ito: brainly.ph/question/343820; brainly.ph/question/318411.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.