IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

kahulugan ng unemployment

Sagot :

Ang kahulugan ng unemployment ay ang sitwasyon kung saan ang bahagi ng lakas paggawa ay walang trabaho ngunit naghahanap ng maaaring maging trabaho. Ang konsepto ng unemployment ay tumutukoy rin sa sitwasyon kung saan ang bahagi ng lakas paggawa ay walang trabaho kahit na sila ay may pinag-aralan at sila ay pasok naman sa kinakailangang mga kwalipikasyon.

Kahulugan ng Unemployment

  • Ang unemployment ay ang sitwasyon kung saan ang bahagi ng lakas paggawa ay walang trabaho kahit na sila ay nagtapos ng pag-aaral at pasok sa mga kailangang kwalipikasyon.
  • Ang bahagi ng lakas paggawang ito ay walang trabaho ngunit naghahanap ng maaaring maging trabaho.

Mga Uri ng Unemployment

Ang unemployment ay may iba't ibang mga uri. Narito ang mga ito:

  1. Frictional - kapag ang tao ay naghahanap o naghihintay ng bagong trabaho
  2. Voluntary - kapag ang kagustuhan talaga ng tao na hindi magtrabaho
  3. Seasonal - kapag ang trabaho ay partikular lamang sa iilang panahon o okasyon (halimbawa: tuwing Pasko)
  4. Kaswal - kapag ang trabaho ay tuwing sa iilang araw o linggo lamang
  5. Structural - kapag ang trabaho ay nawala dahil sa mga pagbabago sa teknolohiya o sa panlasa ng mga mamimili
  6. Cyclical - kapag ang trabaho ay base sa business cycle; kapag mahina ang negosyo o industriya, mas malaki ang bahagi ng lakas paggawa ang makakaranas ng unemployment

Iyan ang kahulugan ng unemployment. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:

  • Iba pang kahulugan ng unemployment: https://brainly.ph/question/584197
  • Ano-ano ang pagkakaiba ng employment, unemployment at underemployment: https://brainly.ph/question/74275
  • Ano ang unemployment rate? https://brainly.ph/question/174730