IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

magbigay ng sampung halimbawa ng eupimistikong pahayag sa pilipino

Sagot :

Answer:

Eupemistikong Pahayag

Ang eupemistikong pahayag kung tawagin sa Ingles ay euphemism na ang ibig sabihin ay mga salita na badyang pampalubag loob o pampalumay upang ito ay hindi masamang pakinggan o basahin.  Kadalasan ito ay ipinapalit sa mga matatalim o masyadong bulgar o malaswang mga salita.

Ang mga salitang ito ay ginagamit rin upang mapagaan at hindi makasakit ng damdamin ng taong kausap o nakikinig sa realidad ng buhay natin. Ginagamit ito upang hindi lubos na masaktan ang isang tao.

Sampung (10) Halimbawa Ng Eupemistikong Pahayag

  1. Namatay – binawian ng buhay
  2. Hinimatay -  nawalan ng malay ang isang tao
  3. Hikahos sa Buhay -  mahirap
  4. Magulang - maraya
  5. Lumulusog - tumataba
  6. Balingkinitan - payat
  7. Tinatawag ng Kalikasan - nadudumi
  8. Sumakabilang Bahay - kabit
  9. Kasambahay - katulong
  10. Mapili - maarte o pihikan

Iba pang Halimbawa Ng Eupemistikong Pahayag

  • Malikot ang isip- masyadong maraming imahinasyon
  • May amoy - mabuhay
  • Ibaon sa hukay - kalimutan na
  • Balat sibuyas -pikon, sensitibo, madaling mapaiyak
  • Butas ang bulsa - wala ng Pera
  • Halang ang bituka - masamang tao
  • Mabilis/makati ang kamay - magnanakaw

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:

Iba pang Halimbawa ng Eupemismong Pahayag: brainly.ph/question/367940

#BetterWithBrainly