Ang “Katanghalian ng Gulang” ay nangangahulgan na ang isang tao ay nasa edad mula 40-65 na taong gulang. Ang katumbas nito sa Ingles ay “Middle Age.”Halimbawang mga pangungusap:
1. Si Annie ay nasa katanghalian ng gulang na nang mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari.
2. Nasa katanghalian ng gulang na ang nanay ni Roberto nang siya ay makapagtapos ng pag-aaral.
3. Ako ay natuto lamang maging seryoso sa buhay nang sumapit ako sa katanghalian ng aking gulang.