Hugot Lines Ang hugot lines, kaiba sa pick-up lines ay tinatawag dig love lines o love quotes. Ito ay isa pang patunay na ang wika ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy o minsa'y nakaiinis. Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso't isipan ng manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sarili nilang (hugot lines) ang mga tao depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan. Minsan ang mga ito'y nakasulat sa Filipino subalit madalas, Taglish ang gamit na salita sa mga ito.